ABDNPL WLPRN MYS NPGIBG


December na pala ulit. Parang kalian lang nung mag post pa ako dito sa blog ng kung ano nararamdaman ko na hindi ko kaya maipahayag sa iba. Sabi ko nun titigilan ko pa nga pero bakit ngayon parang mas lalo lumala. Ano pa ba ito nararamdaman ko sa kanya? Hindi ba pwede mawala na lang din ng basta basta?

Naalala ko nung sabihin ko sa sarili ko, gusto ko mag mahal ung ibang level naman para exciting, sa tagal ba naman kasi na ipinagpalit pala niya ako, ako na din ito gumawa nang paraan para mapalitan siya. Pero bakit ngayon napalitan ko na siya ng iba, hindi ko pa rin kaya mag seryoso sa iba.

Ayoko na sabi siya maalala, mga araw na siya ang aking kasama, panahon na siya ang aking naalala, araw at gabi sa isip ko hindi siya mawala. Paano ko pipigilan ang damdamin sa kanya ko nadama? Iyung gusto mo mag mura kasabay ng ulan dahil sa pag ibig na iyan. Ang sakit pala kapag napamahal na din siya sayo ng sobra. Bakit naman din kasi sa kanya pa, ang dami ko naman pwede pagpilian, sa tulad pa niya na dati ko na kinainisan.

Maliban sa kanya, napamahal na din sa akin ung tinuring ko na matalik ko kaibigan. Kasi naman bakit naimbento ang friendzone na iyan, iyan tuloy hanggang bestfriendzone na lang ako sa paningin niya. Muntik na un, nagugustuhan ko na siya pero kapag tumatagal na nalalaman ko iba naman ang gusto niya, pinili ko na lang din ng hanggang doon na lang kami, kung doon din naman kami magtatagal.

Ngayon hindi ko na masabi sa kanya kapag may problema ako, kakwentuhan sa mga istoryang nagaganap sa buhay ko. Iyung kasama ko siya na parang wala na ako dapat problemahin sa mundo. Kaso hanggang doon na lang pala un, ng malaman ko iba na talaga ang kanyang gusto at hindi na iyung tulad ng dati kung ano meron kami noon.

Bakit kasi sa lahat ng pwede mangyari ito pa ung naramdaman ko. Seryoso na din naman ako nun sa kanya pero sa bawat sandali na kasama ko siya, gusto ko man tagalan ang oras huwag lang kami magkahiwalay, iba and dikta sa isip ko. Sa simula naman kasi trip lang ang habol ko pero bakit ngayon ako pa ata ito nagmahal sa kanya ng seryoso.

Ang sakit nga talaga kapag umiibig. Kaya kasabay ng paglimot ko sa nararamdaman ko, kasabay ng din ng pag post ko dito sa blog ko, ay sisimulan ko na kalimutan kung ano meron kami dati nitong tao na minahal ko.

Siguro sa isang banda, oo nag kulang din ako. Ano ba naman magagawa ko, ayaw sa kanya ng magulang ko. Hindi kasi tama na siya magustuhan ko, para naman no choice na kasi ako kapag ang tulad niya ang gugustuhin ko. Kaya madalas away bati namin. Para na nga aso’t pusa minsan, pero iyung hindi mo kaya na mawala siya, kaya sa huli papayag pa rin ako ituloy kung ano meron sa amin  dalawa. Hanggang sa nauulit ulit na lang ung mga nangyayari. Hindi ko na din nagugustuhan. Hindi ko na nga din alam ano patutunguhan nito. Siguro dahil masyado pa din kami bata, kung anu ano pa naiisip ko kapag naaalala ko siya. Iyung sakit na nararamdaman ko dati na hindi naman dapat sa kanya ko maramdaman.

Sa dami nang nakalipas, ito pa rin ako, post na lang sa kung ano iyung nararamdaman. Ayoko solohin eh, masakit kapag kinalimutan ko na ako lang din mag isa. Kaya mabasa man ito ng iba, sinubukan ko lang naman magmahal ulit ng isang tao na akala ko siya na. Pero nagkamali ako, isang trip na ako din ang mahuhulog sa aming dalawa. Kung kaya ko lang isigaw iyung  kung ano talaga nararamdaman ko sa tulad niya, ayos na sana pero para na rin ako tanga. Ito nga ginawa ko pa panibago blog post ang pag ibig na ayoko na maramdaman sa kanya.

May gusto man ako balikan, pero hindi na sa mga nakaraan ko nakasama. Mga alaala na lang sila na mananatili sa aking kaisipan. Nawala ung focus ko sa sarili ko, kakaisip kasi  sa tulad niya. Napabayaan ko na pati sarili ko huwag lang mawala ung connection sa amin dalawa. Ang dami ko na sayang, dahil sa kanya. Kaya tama talaga na kalimutan ko na siya. Hindi siya ung tao nararapat. Tama sabi ng magulang ko, “kung hindi mo naman gusto dapat sa una hindi mo na sineryoso.” Ako kasi ito maloko, tinuloy ko pa din iyung pakikipag relasyon ko dun. Sa huli, ako tuloy ito nasaktan, umibig lang naman din ako. Kailangan ko na muna ayusin ang buhay ko ngayon, nandyan lang naman siya, ayos lang un. Hindi na ako ung tao na para sa kanya, dahil may mas deserving na tao na nakalaan para sa akin at para din sa kanya.