“Kumusta?”


“Kumusta?” Salita madaling itanung kapag nakita natin iyung tao kakilala natin, tao na maari kakilala natin nung Elementary, High School or nung College. Para din sa mga tao na kamag-anak o kaibigan natin at higit sa lahat sa tao na minamahal o minahal mo pero wala na kayo.

Akala ko madali makalimot. Sa paraang pwede ka maghanap nang iba na mamahalin kasi alam mo na wala naman na kayo nung isa pero hindi pala sa lahat ng bagay ganoon kadali lalo na kung minahal mo iyung isang tao nang seryoso.

Hindi ko alam seryoso na ako nun. Magulo din iyung nararamdaman ko pa nun para sa kanya hanggang sa wala na nga kami. Nalaman ko na hindi na pala kami. Masakit pala lalo na kung ikaw iyung sa tingin mo iyung maghahabol. Naniniwala ako sa tadhana pero hindi naman ata sa lahat ng bagay matatagpuan mo iyun dahil hindi mo alam kung kailan at saan mangyayari iyung tadhana na iyun. Malay mo iyung tadhana pala na iyun, hindi na kayo nung tao na gusto mo. Alam ko mali na hanggang ngayon naiisip ko pa rin siya. Ano pa ba magagawa ko, siya pa rin naman kasi gusto ko.

Takot ako nang malaman ng mga kapatid ko kung ano iyung madalas gumugulo sa isipan ko at bakit siya pa rin ang hinahanap hanap ko. Kahit hindi na dapat isipin pa siya, isinasagawa ko na lang mag isip nang iba, maging busy huwag na lang siya maalala. Pero hindi rin ganun kadali dahil kapag alam mo siya pa rin iyung gusto mo, totoo pala iyun na kapag tumingin ka sa paligid mo, aakalain mo na siya iyun kahit hindi naman. Imposible dahil may iba na siya. Iyung alam mo masaya na siya at ayaw mo na lang guluhin siya sa kung ano gusto niya. Makakalimot din naman dito, hindi sa ngayon. Slowly moving on siguro nito.

Kapag matutulog ka na lang, siya pa rin maiisip mo hanggang sa hindi ka na maka tulog kasi iniisip mo pa rin iyung sa inyo na dati bilang kayo. Hirap pala magmahal. Naalala ko iyung sasabihan mo lang ng “I love you!” iyung isang tao, kapag alam mo nag “I love you too!” siya sayo, kayo na agad, sa mabilis na iyun, mabilis din pwede magbago lahat. Depende pa rin pala iyun sa nararamdaman niyo para sa isa’t-isa. Ako nga ito, nararamdaman pa rin iyung lungkot kapag naalala ko lang ito. Matapang iyung sa paraang, kahit mawala siya, marami naman pwede ipalit na iba. Ngayon hindi na ata ganito iyung pananaw na nararamdaman ko, ang hina ko na eh, sa tuwing naalala ko siya, nasasaktan ako.

Wala ako alam sa mga forever at destiny kapag dating sa ganito pag-ibig. Ngayon ko na lang natututunan. Dapat kung magmamahal ka, marunong ka mag pahalaga. Nakakasakit kasi kapag iyung isa na lang pala iyung nag exert ng effort. Kapag nawala naman, doon mo lang malalaman iyung halaga niya. Bakit ba naman kasi ganito iyung nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko pa pinahalagahan, ngayon ako ito nagsisisi may iba na siya.

Gusto ko naman pahalagahan din iyung gusto ng mga magulang ko para sa akin. Ayos na passport ko, ready na ako kung sakali tawagan ulit ako para sa isa pa exam sa company na gusto ko. Support lang naman parents ko basta lagi ko alagaan iyung sarili ko. Hanggang sa nagawa ko sabihin sa kanya ito, akala ko maiintindihan niya ako pero hindi hanggang sa doon na nga nagsimula, magiging wala na pala ako halaga ata para sa kanya. Kahit hindi na kami, ginawa ko pa rin maghabol pero wala, ako din pala ang sumuko. Hanggang sa may iba na nga siya at hanggang hintay na lang ako para sa kanya.

Masakit umasa naman nang matagal pero hindi na ako iyung maghahanap agad ng iba para makalimot dito. Hayaan ko na lang. Masaktan, kasama na iyun. Mawawala din naman pansamantala iyung sakit na iyun na mararamdaman mo, kung bumalik, sige lang. Pero iyung balik na maging kami ulit, hindi ko alam. Hanggang kailan ito at saan. Babalik na lang ulit sa tanung na, “Kumusta?”.