Moments


Bilis ng araw, tapos na February. Kumusta? Malapit na ulit graduation, panibagong yugto na naman ng buhay ng iba. Sa akin kaya? Panibagong yugto na naman ba ulit? O handa na kasama ka tumanda? Hahahaha ayos!

Hindi ko alam paano sisimulan nung una. Nasaktan ako, nagmahal ulit, nakasakit ng ibang tao hanggang sa naging seryoso na ako dito sa tao na minahal ko. Busy, sa madalas pero handa ako maglaan ng oras sa kanya. Saglitan pa nga dapat hanggang sa nag level up, nag live in na kami.

Siya kasama ko, matulog, pag gising, kumain at sa paikot ikot na takbo nang buong araw ko. Hindi ko inisip na magiging ganun ako para sa kanya. Pinakilala niya ako sa parents niya, kaibigan niya, buong lugar na ata nila. Naalala ko pa nun iyung sinabi niya, “Gusto ko kasi ipakita sayo kung ano ang mundo ko”. Wala ako nasabi nun, naka ngiti ako sa kanya, hawak iyung kamay niya.

Naakit ako, oo sa physical pero iba din siya mag mahal, matindi. Iyung hindi mo na babalik balikan dahil para sayo siya na pang habang buhay. – Sana kung ganun ung dikta din ng isip ko pero hindi. Minahal ko iyung tulad niya pero, ayaw ito ng parents ko. Iniisip ko agad kung ano na lang maaari nila sabihin sa akin, ng ibang tao at sa mga tao na nasa paligid ko. Hindi iyun ang gusto buhay ng mga magulang ko para sa akin. Kaya sa bawat sandali na siya kasama ko, sinusulit ko na lang lahat. Hinahayaan ko na lang kung ano man sabihin sa akin ng mga magulang ko, dahil masaya ako na siya kasama ko.

Akala ko kaya ko tiisin lahat pero hindi din. Sa huli, hindi ko pa rin kaya mag desisyon mag isa. Kasama ko pa rin mga magulang ko sila dapat sundin ko. Nahihirapan ako paano sabihin sa kanya na ayaw ko na, tigilan ko na iyung sa amin pero sa bawat galaw na iisipin ko  gawin iyun, ako nauuna masaktan. Parang hindi ko pa kaya lalo na ibang level ang nararamdaman ko sa kanya.

Sinimulan ko sa hindi pangungulit sa kanya, limit sa kung ano meron sa amin at hindi siya kausapin ng madalas. Naramdaman niya iyun na malamig na ang paki tungo ko sa relationship namin. Nag simula na din siya mag tanung sa kung bakit ganun na lang ako bigla. Nasabi ko na lang, alam naman niya kung ano ang takbo ng ganito relationship namin kapag nalaman ng parents ko. Ayaw ko lang kung ano pa sabihin ng parents ko tungkol sa kanya dahil masasaktan din ako lalo na mahal ko siya.

Ayaw ko na maramdaman iyung ganito na sa huli masasaktan ka pa din. Siguro dahil nag madali ako. Hindi muna ako naghintay. Iniisip ko kasi agad baka maagaw siya sa akin ng iba kung pakakawalan ko pa siya at sayangin ang 2nd chance na binigay niya sa akin.

Minsan naiisip ko na lang lahat ng tungkol sa amin, naka lungkot dahil hindi ko na siya kasama. Kasama ko, matulog, pag gising, kumain at sa paikot ikot na takbo nang buong araw ko. Hindi ko naman siya pinagbabawalan kung sino man ang magustuhan niya basta napaka saya ko kapag nandyan siya. Madali ako sumuko, pag dating sa mga ganito pag ibig. Ano pa nga ba magagawa ko sunud sa magulang stage pa din ako sa huli.

Hindi naman ganun kabilis lumimot pero kailangan. Hindi naman kailangan kalimutan lahat dahil andoon pa din ang mga alaala. Ngayon iniisip ko na lang sana nasa maayos siya kalagayan palagi. Namimiss ko siya at kung ano meron sa amin. Kapag kaya ko na ipagsigawan sa lahat na siya na talaga ang gusto ko, hindi ko hahayaan sa ganito mangyari pero wala ako magawa. Sumuko din ako, stop ung sa aming dalawa.

Author: Akuma Geijutsu

Studied BSCSIT - SSE at Asia Pacific College stradmore! :D 2nd life! "Early to bed, Early to rise!" XD im krsnik a vampire that drinks other vampire bloods

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s