That Thing Called Pag ibig


February na pala ng 2015. Amp Feb-Ibig nga naman. Kumusta lahat? Ako ito, sabi ng puso ko, “OUCH!”. Hindi na ako naniniwala dito pero sa tuwing naaalala ko iyung dati, hindi ko mapigilan bumalik sa dati. Dati ko nararamdaman para sa kanya.

Naalala ko pa nung una ako mag try umibig. Gusto ko lang ma-experience, sabi ko. Pero hindi pa ako seryoso nun. Kahit na panay ang usap namin at pinagagalitan siya ng parents niya kasi kasama ko pa din siya. Hanggang sa tinanung niya ako, “Seryoso ka naman di ba?” Pero ang na sabi ko, “Trip lang naman ito di ba?” – at un nga, nagalit siya sa akin. Hindi na niya ako kinausap. At tumagal, wala na kami communication, hindi ko na siya naalala at wala na ako balita tungkol sa kanya.

Hindi naman ganun ka-tindi ung pagka miss ko sa kanya nun, wala lang din. Siguro dahil hindi naman nga talaga ako seryoso sa kanya kaya naka limutan ko din siya ng tuluyan. Naalala ko ung ginagawa ko sa kanya dati pero wala na ung pag ibig dun na para sa kanya pala seryoso.

Nag graduate ako HS, nag graduate ako college, marami na ako iba nakilala. Doon ko din naisip na iba na gusto ko. Iba ung prefer ko. Confuse ako nun kasi hindi naman ganun ang nararamdaman ko. Mas nagkakagusto na ako sa same preference ko. Hanggang sa nag tuloy tuloy na nga. Nag enjoy ako, oo seryoso, napa ibig ako, bumigay ako. Wala eh, sa ganun ung nararamdaman ko.

Tumatagal din ung pakikipag ugnayan ko. Nauulit ulit pa kahit wala na kami. Iba eh, hindi ko na alam bakit nagagawa ko ito. Oo minsan galit ako, at dun ko nabubuntong ung galit ko sa ka-in relationship ko. Nasasaktan ko na din siya – emotional. Hindi ko na naisip ung sa side niya. Kung ano ung nararamdaman niya. Kaya wala ako maayos na relationship. Lahat na ata ruined. Magulo ako, pabago bago, hindi marunong makuntento. Alam ko kasi, “Trip lang naman ito di ba?”

Bago ito, hindi ko nga siya kilala. Na random messaging ko lang siguro nung sabayan ko ng business. Hindi ko nga din alam paano ko siya na-friend sa social online account ko. Wala naman ako paki alam kasi nun kung sino nasa friend lists ko. Pero ung panay na sa newsfeed ng account ko ung mga posts niya, hindi ko napigilan ma-stalk siya. Like pa nga sa mga posts niya. Hanggang sa nag comment ako na wala naman din sa idea ko, try ko lang. Sa dami ba naman ng mga nag comment din sa kanya, famous ata ito eh. Hahahaha naisip ko, hindi naman niya mapapansin na din ung comment na nilagay ko dun. Pero nag taka ako nung may nag message sa phone ko, eh sa naka lagay naman din kasi ung phone number ko sa profile ko. Nag tanung siya ano daw ung comment ko. Sabi ko na shortcut lang un. At dun nag simula na kami magka message sa isa’t isa. Kausap ng late, napupuyat pa ng kung anu-ano lang pinag uusapan namin kahit madalas natutulugan ko siya at naka inom ako, siya kinukulit ko, ayos pa din sa kanya. Hanggang sa mabilisan ko na tinanung siya kung pwede ba maging kami. Hindi naman siya nag dalawang isip eh, sinagot din niya ako. Ewan ko ba sa nararamdaman ko nun sa kanya, iba na eh.

Nagkita kami, nagkakahiyaan pa nga layo niya kasi, nahiya siya lumapit. Kaya ako na lumapit para mas makita ko siya. Nung nag smile siya, awww tinamaan na ako. Hindi ko mapigilan panay ang pag tingin ko sa kanya. Medyo awkward na nga, baka napapansin niya panay tingin ko sa kanya.

Nag usap kami, hangout somewhere. Kinukulit ko pa nga siya kahit magkasama na kami. Pero mabilis kasi mga pangyayari nun. Hindi ko sinabi agad sa kanya ung past ko. Alam niya na never ako nagka in relationship, dahil takot ako kapag seryoso na. Nalaman niya na ang dami pala ako hindi sinabi agad sa kanya. Syempre magagalit naman kahit sino sa ganung paraan. Akala ko sa napapanood ko lang movies ung mga ganung nangyayari. Pero nung time na un, na akala ko mag tutuloy tuloy na ayos kami dalawa. Dun ko pa naisipan sabihin sa kanya, “Trip lang naman ito di ba?” nagalit siya, nag balik sa isip ko ung dati ko ginawa. Nasayang ung effort niya, sabi niya, hindi naman siya willing makipag kita sa akin kung trip lang naman pala para sa akin ung mangyayari. Oo mabilis na naging kami, pero para sa kanya seryoso un.

Natahimik ako, hindi ko na alam kung ano pa sasabihin ko sa kanya. Nagalit siya akin. Mali ko, hindi ako nag sabi agad kahit na mabilis naging kami. Nakita ko paano siya umiyak, nasaktan ko siya. Akala ko hindi ko mararamdaman ung kapag nasakatan siya, masasaktan ka din. Pero grabe ito, hindi na kami nag kausap. Hanggang sa ilang araw wala na din pansinan. Doon ako nabaliw na kakaisip sa kanya. Mahal ko ung tao, pero bakit ko ginawa un sa kanya.

Nag message siya, willing pa din siya makinig sa explanation ko, sa bakit hindi ko sinabi un agad sa kanya at bakit ganun ung ginawa ko. Nag lakas loob ako para sabihin sa kanya lahat. Kahit umiiyak ako nun dahil mahal ko na nga siya. Ayoko mawala ung tulad niya sa akin. Para na nga lang kami baliw nun, umiiyak din siya, pero salamat, nagka ayos kami. Eh sa mahal ko nga kasi siya. Masaya na kami nag uusap. Hindi na siya mawala sa isip ko.

Binigyan niya ako chance, at ung chance na un, ayaw ko na sayangin lalo na sa tulad niya. Sabi ko na lang sa sarili ko nun, “Bahala na! Kung magkagustuhan man, masaktan ako, handa ako basta sa kanya.”

Hindi na ako nagmadali maging kami agad pero nangako ako, wala ako ibang gusto balikan kundi siya. Ilang libo man ang nasa paligid ko, sa isang tao lang na un ang babalikan ko.

*parang movie na ba? Amp famous na hahahaha wala eh. Pag ibig nga kasi. Ito ako inlove pa din sa kanya sa araw araw.

Author: Akuma Geijutsu

Studied BSCSIT - SSE at Asia Pacific College stradmore! :D 2nd life! "Early to bed, Early to rise!" XD im krsnik a vampire that drinks other vampire bloods

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s