An Epic Scenario at MRT Part 2


Kumusta? Amp Happy new year! Welcome 2015! Ayos bago pasok ulit ng taon, bumisita pa si Pope Francis, Panalo na nito. Bago buhay na din ba? Ano kwento? Tara i-welcome natin ito. Hahahaha

Masakit pala maiwanan pero masakit din malaman mo na ginagamit ka lang. Ito matindi hahahaha lintik ano pa ba magagawa ko eh minahal ko. Peg ebeg nge nemen.

Sakay ako MRT, nagmahal na eh. LRT, MRT, singil sa tubig, ano pa? Buti pa ito nagmamahalan talaga ng tunay. Nag mamadali kasi ako nun, kaya napa sakay ako MRT. Eh kung papahatid pa ako, baka ma-traffic pa ako, sasaglitin ko lang naman ung package sa Head office. O siya, ito na nga un, naka sakay na ako. Dami tao pero sige being cool pa din. Paka init ka dun, eh mahina na nga aircon. Sige try mo? Hahahaha

Bandang Shaw na. Ito iyun eh, mag ingat basta mga pa-Boni, Shaw, pa-dulo ng MRT, dito kalat mga kawatan. Nangyari na un dati, muntik na ako manakawan phone, buti na lang lakas loob ako hahahaha mala-aksyunang ganapan sa MRT – Boni pa ako nun dati. Saved naman dahil nabawi ko ung phone ko. Napa-post ko pa nga un dito blog, hanap mo na lang, dyan lang iyan.🙂

Akala ko hindi na mauulit un. At matagal nga hindi na ulit dahil ngayon lang ulit 2015 ng January nangyari. Nadala na ako nun dati, matindi may Part2 pa ngayon. Hahahaha kaya ganun na nga ang nangyari. Bandang MRT – Shaw Blvd. Wala kasi ako dala bag, phone ko nasa bulsa lang. Ramdam ko pa rin naman dyan lang gamit ko. Pero nung mag bababaan ng mga tao sa station na ito, ang bilis eh, hindi ko nararamdaman pa nga, para lang bigla may nag sadya sa kamay ko at kinapa ko bulsa ko para i-check ko andun pa rin ba phone ko. Doon na ako nabigla, amp na iyan nadukutan na ako.

Kabado ako, hindi ko pa alam gagawin ko sa dami na rin ng tao na bumaba. Pero hindi pa din ako padadaig. Hahahaha malakas eh. Hinarang ko muna ung pintuan. Sigaw ako, “Captain Barbel!” Hahahaha pero siyempre biro lang ung captain barbell super powers effect na iyan. Pero sumigaw talaga ako nun. Sabi ko, “May kumuha nang phone ko! Hindi ko hahayan isara pintuan nito MRT hanggat hindi ibinabalik ang phone ko! Alam ko andito pa sa loob ung phone ko!” Hintay ako nito. May mga sumisigaw sa likod, tinuturo nila lumabas na daw, andoon na daw sa escalator, aba matindi linaw panigin siguro hahahaha kaya hindi pa rin ako naniwala, pero tiningan ko eh ang layo naman kasi na sinasabi niya. Pero naiisip ko na nun dalawa lang choice ko, baka nakababa na ang magnanakaw o kaya nasa loob pa din. Alam mo naman grupo grupo sila. Kaya silip lang din ako labas pero hinaharang ko pa rin ng ilang ulit, mga 5x siguro ung pagsara nung MRT. Hahahaha

Doon ko lang din nalaman nung hinahanap ko ung nagnakaw pa rin ng phone ko, eh kasabay din may nawalan ng phone sa kabilang hanay lang namin. Laking tao, lalaki din ung nawalan, may tinuturo siya nasa loob pa daw ung magnanakaw. Sinisigaw niya un eh nasa labas naman na siya ng MRT. Kung mag sara un, kahit sumigaw at mag turo siya, hindi niya rin makukuha. Lakas loob ako, ako pa rin humaharang sa pag sara ng MRT. Kung hindi naman kasi magsara pintuan ng MRT, hindi rin naman uusad un paalis. Buti na lang din may mga Pulis at Security Guard dun sa station ng MRT – Shaw blvd. Kaya Nag tawag ako, sabi ko, “Sir! Tulong! May nag nakaw na phone ko! Alam ko andito pa sa loob ung nagnakaw!” Syempre sila sir, lumapit kasi may nag rereklamo na din sa kabilang hanay namin. Dito na gulat ako, biglang inabot sa akin nung maliit na matandang babae ung phone ko. May nagbato daw. Aba matindi, may nag sisigaw kanina, lumabas na daw nakakuha, eh bakit naibalik? Hahahaha nag pasalamat ako sa nag abot. Inaayos ko sa bulsa ko para safe na sila. Nagsabi ako sa mga pulis na, “Oks na mga sir! Naibalik naman ung phone ko.” Pero ayaw na paawat nung mga pulis hahahaha sinabi niya kasi, “Sino dyan? Sino dyan nagbato nung phone? Sumama ngayon sa amin sa presinto!” Eh syempre takot naman mga tao, ako din kabado, takot din, sabi ko oks naman na kasi naibalik naman eh siguro kailangan nila nang may mai-report sa office. May nagturo na un daw, kaya hindi na pinakawalan ng pulis at sinama na ung tao. Medyo matanda na pero may itunuturo sila doon na babae. Eh malay ko naman din. Hahahaha hindi ko naman nakita. Sadyang mabilis lang ang mga nangyari. Pero ung mukha nung mga tao sa MRT medyo amp hahahaha poker face eh.

Nadampot ung tinuturo nung ilan, dalawa ang hinuli. Iyung isa ung sa kabilang hanay lang namin. Sumama ung nagrereklamo dahil ung phone naman niya, hindi ko alam kung naibalik. Hanggang sa nag sara ng ang MRT – Shaw Blvd at papunta ng Ortigas kung saan ako bababa nung araw na un.

Nagpasalamat ako sa nag abot at humingi ako ng sorry kung naabala ko biyahe ng iba, kailangan lang kasi maibalik ung phone ko dahil wala pa ako back up nun at nandoon lahat ng contacts ko. Sumang ayon naman ang karamihan dahil para daw magtino ang mga tao sa loob ng MRT. May mga nagbubulong bulungan naman dun at sinabi na ang tapang ko daw. Sila daw 2x na nawalan ng phone sa MRT, pero hindi na nila nakukuha. Payo ko sa kanila nung araw na un, huwag niyo lang hayaan mag sara ang MRT hahahaha eh nung nakaraan nag sara, at wala talaga biyahe ang MRT nun, kaya napa BUS kami kamakailan ng kasama ko hahahaha.

At iyun na nga ang nangyari, naibalik naman ang phone ko, safe naman ako. Takot ako baka may nakakakilala sa akin dun at balikan ako nung mga kawatan na un hahahaha. Subukan lang nila, eh nasa akin na phone ko, tatawag ako saklolo hahahaha mang jose!

Thanks God! Safe ako. At kay Pope! Hahahaha blessed!🙂

Natakot na ako nito amp part2 na ito eh, subukan pa may part3, ganito moment. Hahahaha hindi na ako mag dala phone kapag mag commute ako.

 

 

Paalala kapag mag MRT: (hahahaha para based on experienced ang payo).🙂

  1. Mag ingat!
  2. Kapag naka earphone na hindi naman wireless/Bluetooth dahil naka chord, check maigi minsan may mga nang hahaltak na lang bigla lalo na kapag gitgitan.
  3. Kapag mahilig maglagay ng phone sa bulsa, lagay mo na rin kamay mo muna sa loob ng bulsa mo para kahit mag katulukan o may dumada – moves sa paligid, sure ka dahil bago makuha andoon ung kamay mo. Unless gusto ka nila ka-holding hands, hahahaha pag sabihan mo sila.
  4. Kapag may mga kung ano naka sabit sa phone, ilagay mo muna lahat sa loob ng bulsa mo, kasi kapag nakikita nila may laylay dun, madali mahablot.
  5. Maging alerto sa paligid. Grupo ito eh, hiwa hiwalay lang ng pwesto at galawan sa MRT. Matindi na kasi mga pangagailangan. Ang aayos naman ng mga suot. Hindi mo halata mga magnanakaw eh. Lume-level up din. Amp hahahaha easy money gusto.

 

Sige. Dito na muna. Have a safe trip! Hahahaha🙂

Author: Akuma Geijutsu

Studied BSCSIT - SSE at Asia Pacific College stradmore! :D 2nd life! "Early to bed, Early to rise!" XD im krsnik a vampire that drinks other vampire bloods

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s