Before the worst


Kamusta lahat? Ano bago? Tara kwento! Hahaha amp ang tagal din bago maisipan ko ulit mag post ng new entry. Siguro kasi I can’t breathe na anymore. Hahaha. Tara doon na nga lang tayo sa kung saan masaya, iyong alaalang hindi kailanman makakalimutan ng sino man.

Hindi naman ako nagmamadali, sa paraang makalimutan siya. Nag enjoy na lang ako, nag enjoy na lang naman din siguro siya ngayon. Sabi ko nun, “Kapag nagawa ko lang talaga kalimutan siya, siguro madali na makahanap ng pag ibig na hindi ko nadama sa kanya.” Masaya naman ako kahit hindi na kami, bakit kailangan maging malungkot kung ganun naman talaga pero napa isip ako, bakit sa tuwing nakakahanap ako ng tao na nagiging dahilan ng “Happiness” ko, hindi ko pa rin masimulan mag seryoso. Siguro tama nga na bago ka mag mahal, kailangan naisatabi mo na ang mga alaala ng dati kaso paano iyun kung siya pa rin ang gusto mo makasama. Paano na nga ba talaga hindi naman pwede na maibalik pa ang dati, siya na din naman ang umiwas.

Nag simula ako maghanap, maghanap ng mamahalin hahaha kahit hindi ko pa nais mapalitan ang isang tulad niya. Naging paraan ko na nga lang siguro iyun para makalimutan siya, naging masaya naman na din kasi siguro siya sa bago niya. Natutunan ko na hanggang dating to something mutual lang kung mag grow man sige tuloy lang pero hindi ko magawa na mag mahal ng isahan, maging loyal kasi naman, naghahanap na iba eh kung siya pa rin iyong gusto ko na makasama kaso hindi na nga pwede, nung nag sabi ako na, “Mahal na kita, sobra sa nararamdaman ko dati” ilang araw lang, bigla siya nagbago. Alam ko naman takot din siya, lalo na nag sisimula pa lang kami nun hindi naman din ako nagmamadali basta alam ko na nandyan pa rin siya para sa akin wala ako dapat ikatakot, tiwala ako sa kanya, iyun pala ako lang iyung nag tiwala. Hindi ko muna inalam kung siya ba ganun din ang nadarama para sa akin. Baka kasi kung mag tanung ako, magtaka siya, makulitan siya sa akin hahaha ewan ang dami ko na agad assumptions. Pero kung ganun talaga ang kapalaran para sa relationship namin, tinanggap ko na lang basta minahal ko siya sa paraang alam ko.

Nasaktan ako, oo nang malaman ko na may bago na siya. Hindi siguro ako iyong tao na makapagpapasaya sa kanya ng matindi kaya pinalitan na niya ako agad sa puso niya. Matagal din. Naging busy na lang ako, masaya naman din dahil nandyan ang mga kaibigan ko. Mabait naman ako hahaha siguro nahalo na lang sa mga iba nila kalokohan. Subukan ko naman daw mag mahal ulit. Sabi ko pa nun, “Ayos lang, mahal ko naman si God, mahal ako ng mga magulang ko at minamahal ko mga kaibigan ko” Hahaha medyo natatawa ako nung sinabi ko iyun, kaya medyo nagulat sila nung marinig iyun galing sa akin, tinawanan nila ako ng matindi din hahaha. Doon nga na mag simula ako mag hanap ng bagong pag ibig. Hanggang dating nga lang, flirting and mutual feelings. Kapag medyo seryoso na, titigilan ko na. Ako pa madalas iyung lumalayo. Natakot ako sa Karma amp hahaha kaso paano kung iba pa rin ang gusto mo maging dahilan ng kasiyahan mo, dito naiisip ko pa rin SIYA kaso tama na nga. Hindi na pwede.

Nagustuhan ko na makisama sa isa sa mga sinimulan ko i-mutual feelings. Hahaha grabe ganun pala un, na kung ano iyung gusto mo gawin sa ex mo, sa kanya mo na nagagawa ngayon. Oo nag aalinlangan pa din ako pero sige tuloy lang. Hanggang sa ang dami nang naging ups and down namin nito bago pero nakukuha pa rin niya ang attention ko. Naadik na nga ata ako sa kanya. Parang ayaw ko na nga tigilan. Napaisip ako, paano kung seryosohin ko na nga talaga siya (itong bago), wala naman na rin ako balita sa hinihintay ko (itong dati). Basta masaya naman na siya, masaya na rin ako para sa kanya.

Masaya sa masaya, nakapuyat sa nakapuyat pero paano ba iyan nagugustuhan ko na din siya ng matindi hahaha pero ito na naman mga assumptions ko, nag sasabi naman ako sa kanya. Kung ano iyung nararamdaman ko para sa kanya, pinakikinggan ko ung sa mga sa side niya, ayaw at gusto niya. Pero hindi ko pa rin alam kapag sa tuwing napapatingin ako sa kanya, iyung isang tao pa din na gusto ko talaga makasama ang nakikita ko sa kanya. Hindi ko naman masabi iyun, baka magalit siya basta kapag kasama ko siya, gusto ko masaya lang. Iyung kami lang, wala na ako paki alam sa iba hahaha.

Kung ano man mangyari, maintindihan naman siguro iyun. Hindi naman nag mamahal nang para sa sarili lamang, dapat kung magmamahal, isipin din ang nararamdaman ng iba. Maging kami man ng mas matagal, accept ko na. Pero kung hindi, may dahilan naman iyun. Enjoy ko na lang muna kung ano meron kami sa ngayon. Ang hirap kasi, bakit hanggang ngayon, madami na nagbago, siya at siya pa rin ang gusto ko. Medyo dramatic na ba? Hahaha hihingi na nga ako ng tulong. Mas lalo hindi ako maka hinga nito eh kaiisip sa mga bagay na matagal na tinapos pero gusto ko pa din balikan.

Author: Akuma Geijutsu

Studied BSCSIT - SSE at Asia Pacific College stradmore! :D 2nd life! "Early to bed, Early to rise!" XD im krsnik a vampire that drinks other vampire bloods

5 thoughts on “Before the worst”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s