Oh Shoot! Na may kasamang Foul!


Kamusta ang lahat? Hindi ko alam bakit ganito at tuliro na naman ang utak ko kaiisip sayo kanina pa. Hahaha nabaliw na naman ako dito oh. Lintik kasi kung kailan gusto ko na tigilan dun naman lalo ako nasasabik na makasama siya.

Ewan ko ba, alam ko mali na lahat eh pero ang tindi kasi, nakakaadik. Hahaha

Amp baka isipin tuloy nag aadik na talaga ako… Biro lang, hindi naman sa nag aadik ako na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot (nakanang bawal na gamot hahaha ang lalim lang dre?), hindi ko kasi alam dito sa nararamdaman ko. Minsan gusto ko na umiyak eh, pero ayoko kasi ito tulo na naman sipon ko pagkatapos. Hahaha sayang din kaya sa tissue iyon.

Masakit pala kapag umiibig ka (anak ng! baka malaman ng parents ko lumalandi na ako hahaha panalo ito) iyong kapag nawala siya sayo kahit saglit lang, hinahanap hanap mo na siya, namimiss mo siya agad, gusto mo kasama mo siya ulit ng mas matagal. Ang masakit lang dito ung hindi naman sang ayon ung magulang, strict ba naman eh, mabuti dapat na anak kaya sunod lang sa gusto nila.

Napapaisip ako minsan kung kamusta na kaya siya? Ano pa kaya ginagawa niya? Naaalala niya din kaya ako tulad ng pagkakaalala ko sa kanya? Lintik ano na naman ba ito nasa isipan ko, kung anu-ano na lang talaga mga naiisip ko.

Dati masaya naman ako kahit ako lang mag isa (andyan naman parents ko pero iba un syempre hahaha, kasi dito ung feeling na kapag may iba ka kasama, date na as in date na kayo lang dalawa kumbaga hahaha). Kain lang dyan kung saan gusto, kasama mga friends, mag hangout kung saan, enjoy lang sa buhay. Hanggang sa maranasan ko mag fling na naging into relationship kahit nagtatagal lang ng 1 week pa minsan hahaha. Un minsan madami dahilanan basta lang magkaroon ng oras sa ka-fling na un kahit hindi naman talaga ako seryoso, trip ko lang din, masubukan lang, may masabi lang na nagkaroon ng ka in relationship kahit pansamantala. Hahaha Hardcore ito dre. Mga galawan, daming echeng hahaha.

So ito na nga kasi un, ang POV ko hahaha grabe kung maka share na ako dito, bastahan na lang hahaha may maiblog lang sa ngayon. Pero hindi naman sa ganun, hindi ko kasi alam kung sino din mapag sasabihan ko ng ganito mga bagay, nararamdaman. Sinubukan ko naman kausapin ung pusa namin eh, parang nakikinig naman siya, ang seryoso din kasi ng mukha niya kaso epic eh, bigla na lang nag meow nung sinabihan ko na, “ano? Ganyan na lang din? Titingnan mo na lang ako?” matindi pa nito, kinalmot ako hahaha napahamak pa ata ako dun, grabeng pusa iyon ah, hindi na nga ako dinamayan, sinaktan pa ako lalo, physical pa hahaha

Pakshet talaga oh. Amp sorry for the word, hanggang bahay ba naman kasi inuuwi ko trabaho ko, kahit weekends, wala ako sa office pero work from home ang drama ko. Hindi ako sanay ng ganito eh kaso lagot naman ako late na ako sa SLA ko. Putik na iyan oh hahaha sige na nga go lang ng go dun ako eh.

Ramdam ko na lalagnatin ako, ang hot mo kasi, nasaan na ba ako? Hahahaha biro lang. Napagod lang siguro kaiisip sayo. Boompanes! Hahahaha

Ayaw ko na sana isipin na talaga iyon. Alam mo iyon, iyung ano, iyung ganun na hindi naman dapat na ano, ewan, ano ba ito? Hahahaha kung ano na naman mag pinag tatype ko dito sa keyboard, parang pang alienware kasi eh alam mo na ang saya saya lang mag type hahahaha

Sige na nga, huwag na lang na lagi siya ang nagiging POV ko dito sa post na ito, aba nakakailan na siya ah ang galing, sisikat na. Hahaha mag ingat na lang lahat, paparating na ako Hahahaha in your dreams, Mary.

Author: Akuma Geijutsu

Studied BSCSIT - SSE at Asia Pacific College stradmore! :D 2nd life! "Early to bed, Early to rise!" XD im krsnik a vampire that drinks other vampire bloods

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s